^

Police Metro

Mister utas sa tandem

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang 55-taong gulang na mister makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem habang ang biktima ay busy sa pagte-text sa kanyang cell phone sa bayan ng Lianga, Surigao del Sur kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Lianga Police Station, nakilala ang nasawi na si Ramon Pandi, residente sa Brgy., Poblacion, Mahayahay Linga, Surigao del Sur.

Nangyari ang pamamaril sa waiting shed sa Purok 4 ng naturang Barangay ganap na alas-8:00 ng gabi

Ayon sa pulisya, nakatayo umano si Pandi sa lugar at busy sa pagte-text nang dumating ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo at biglang pagbabarilin ang biktima.

Patay agad ang biktima habang mabilis namang nakatakas ang mga suspek.

Narekober sa lugar ang anim na basyo ng kalibre 45 baril na ginamit sa pamamaslang sa biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

vuukle comment

AYON

BRGY

LIANGA

LIANGA POLICE STATION

MAHAYAHAY LINGA

NANGYARI

NAREKOBER

PANDI

RAMON PANDI

SURIGAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with