^

Police Metro

Welder tinodas sa likod ng presinto

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Natagpuang patay ang isang 50-anyos na welder sa isang cons­truction company ma­ka­raang sak­sakin ng isa umanong ma­ngi­ngisda habang natutulog sa Ocean Park compound, sa likod ng Luneta Police Com­munity Precinct, sa Ermita, Maynila, ka­hapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kini­la­lang si alyas “Bunso”, welder ng L7 Construction, payat, nakasuot ng kulay black na short pants.

Tumakas ang suspek na si alyas “Jack”, na si­na­sabing mangingisda na residente ng Block 9,  Baseco compound, Port Area, Maynila .

Sa salaysay ng isang Reynaldo Arvis, 52, da­­kong alas-2:00 ng mada­ling-araw ay katabi niyang natutulog ang biktima nang magising siya sa ma­la­kas na sigaw nito at na­kita itong du­guan ha­bang ang sus­pek ay papa­takas, na tu­malon sa dagat nang ka­niyang habulin.

vuukle comment

BASECO

BUNSO

ERMITA

LUNETA POLICE COM

MAYNILA

OCEAN PARK

PORT AREA

REYNALDO ARVIS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with