^

Police Metro

Magkapatid, mag-asawa natupok sa sunog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang magkapatid at isang mag-asawa ang nasawi sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa lalawigan ng Zamboanga Sibugay kamakalawa ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-7:00 ng gabi nang masunog ang isang bahay sa Purok Santan, Brgy. Poblacion, Ipil, Zamboanga Sibugay na ikinasawi ng magkapatid na kinila­lang sina Julito Tablate Jr., 13; at Julian, 7, na halos hindi na makilala nang marekober ang kanilang mga bangkay dahil sa gra­beng pagkasunog.

Kasalukuyan naman nilalapatan ng lunas ang kanilang inang si Imelda na na­sugatan sa balikat sa pag­ta­tangkang iligtas ang mga anak.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang nakasin­ding kandila na natumba ang sanhi ng sunog matapos namang maputulan ng kuryente ang pamilya.

Sa ikalawang sunog, namatay ang mag-asawang Marcelino Laing, 80 anyos at Domaya Laing, 75 matapos makulong din ng apoy sa loob ng na­su­sunog nilang bahay sa Brgy. Muyo, Buug, Zamboanga Sibugay pasado alas-9:00 ng gabi.

Bandang alas-8:00 ng umaga kinabukasan nang marekober ang mag-asawa na kapwa hindi na rin makilala.

Inaalam pa ang sanhi ng pagkasunog ng bahay ng mag-asawa.

 

vuukle comment

BANDANG

BRGY

BUUG

DOMAYA LAING

JULITO TABLATE JR.

MARCELINO LAING

PUROK SANTAN

SHY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with