Mister tigok sa heat stroke
MANILA, Philippines - Bunsod ng mainit na panahon kaya pinalalaÂgay na “heat stroke†ang ikinamatay ng isang misÂter na taga-Tondo, MayÂnila makaraang bigla na lamang bumulagta habang naglalakad sa Mandaluyong City kahapon ng umaga.
Nakilala sa pamamaÂgitan ng nakuhang lisensya sa pitaka nito ang bikÂtima na si Jose Arnaldo Grijaldo, 42, ng Area D Parola, Tondo, Maynila.
Sa ulat ng MandaluÂyong City Police, dakong alas-7:00 ng umaga nang biglang bumagsak si Grijaldo habang naglalakad sa bangketa sa northbound lane ng EDSA-ReÂliance.
Wala naman itong anuÂmang sugat o pinsala sa katawan nang matagpuan ng mga barangay tanod.
Mabilis namang niresÂpondehan ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Rescue Unit ang biktima at isinugod pa sa Dr. Victor Potenciano Hospital pero hindi na umaÂbot ng buhay.
- Latest