^

Police Metro

Walang pang blowout kaya nangholdap… b-day boy na holdaper todas sa barilan

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines -Sa mismong araw ng kanyang kaa­rawan napatay ang isang holdaper nang lumaban sa mga pulis  na aaresto sa kanya matapos magsagawa nang panghoholdap sa isang pampasaherong van kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ng isang Re­melyn Borromeo na ang napatay na suspek ay ang kanyang live-in na si Jonathan Ragundias, 31.

Batay sa ulat, bago nangyari ang shootout da­kong alas-11:10 ng gabi sa flyover ng Aurora Blvd., na matatagpuan sa San Martin de Porres, Cubao ay sumakay si Ragundias at isang kasama sa UV Express Van (PWY-189) na may biyaheng Cubao-Quiapo at nagpang­gap na mga pa­sahero.

Pagdating sa tapat ng St. Lukes Hospital ay nagdeklara ang mga ito ng holdap sa mga pasahero na kinilalang sina April Joy Aguilar, 24, BDO collector; Ricky Nacario, 21; at Annalyn Ladrio, 20.

Pagsapit sa 12St., ay bumaba ang dalawang suspek tangay ang pera at gamit ng mga biktima.

Hindi pa nakuntento ay kinomander ang nakaparadang motorsiklo ni Roberto Lim, 52, barangay kagawad na noon ay umiihi sa gilid.

Tiyempo namang nagpapatrulya ang tropa ng QCPD-CIDU sa lugar sakay ng mobile QC-42 na hiningan ng tulong ni Lim at hinabol ang mga suspek.

Nang muling maispatan ang motorsiklo ay tanging si Ragundias na lamang ang sakay at wala na ang kasama.

Inoberteykan ng mga pulis ang motorsiklo ng suspek upang pahintuin ito, pero sa halip na sumunod ay pinaputukan ang mga una kaya’t nagkaroon ng palitan ng putok na ikinasawi ni Ragundias na nagtamo ng tatlong tama ng bala sa katawan.

Malaki ang hinala ng pulisya na kaya nanghol­dap ang suspek at dahil sa kaarawan niya ng gabing iyon at gusto lang nito na may panghanda.

vuukle comment

ANNALYN LADRIO

APRIL JOY AGUILAR

AURORA BLVD

EXPRESS VAN

JONATHAN RAGUNDIAS

QUEZON CITY

RAGUNDIAS

RICKY NACARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with