^

Police Metro

Fast food crew binoga sa mukha

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang oras na nakipaglaban kay kamatayan ang isang service crew ng Jollibee matapos itong barilin ng isa sa tatlong suspek na nakaaway nito sa lansangan dahil sa counterflow kahapon ng madaling-araw sa Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Ang biktima na nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Philippine General Hospital (PGH) ay nakilalang si Elbert Budlat, 22, residente ng 1261 Leon Guinto St., Malate, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa ilalim ng mata.

Isa sa tatlong suspek na nadakip ay kinilalang si Jason Ignacio, 28, ng 1261 Sagay St., habang pinaghahanap pa sina Rolando Elizalde at ang gunman na si Raymond Yap.

Batay sa imbestigasyon, bago naganap ang pamamaril dakong alas-3:20 ng madaling-araw sa loob mismo ng pinagtatrabahuhang Jollibee PGH Branch ng biktima sa Pedro Gil St., Malate ay magdedeliber sana ng order ng kanilang kostumer ang biktima sakay ng kanilang service motorcycle nang
makaaway nito ang  grupo ng mga suspek na sinasabing nag-counter flow sa lansangan.

Bumalik ang biktima sa pinapasukang trabaho upang umiwas sa gulo, ngunit sinundan siya ng mga suspek na kung saan ay nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng biktima at mga suspek.

Inawat ng store manager at sekyu ng nasabing fast food na si Efren Bales ang komprontasyon, subalit  inagaw ni Ignacio ang service firearm na kalibre .38 ng guwardiya at itinutok sa biktima.

Kinuha naman ni Yap kay Ignacio ang baril  saka ipinutok sa mukha ng biktima.

Nakatakas ang dalawang suspek lulan ng motorsiklong may plakang 1807-XZ, habang naaresto naman si Ignacio.

vuukle comment

BIKTIMA

EFREN BALES

ELBERT BUDLAT

IGNACIO

JASON IGNACIO

JOLLIBEE

LEON GUINTO ST.

MAYNILA

PEDRO GIL ST.

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with