^

Police Metro

Taxi driver pinagbabaril, todas

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang taxi driver makaraang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nakatayo ito sa gilid ng kalsada sa Parañaque City kahapon ng mada­ling-araw.

Ang biktima ay kini­lalang si Joel Agustin, 36-anyos, binata, residente ng #63 Barrio Daop-Pa­lad, Merville, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Parañaque City Police, nakatayo sa kanto ng West Service Road at Merville Access Road ang biktima dakong alas-3:10 ng madaling araw nang ratratin ng bala ng hindi pa naki­lalang salarin at agad na tumakas.

Sa pahayag ng testigong si Eduardo Singson, vendor, nag-aayos na siya ng mga panindang diyaryo nang marinig niya ang sunod-sunod na putok ng baril kaya’t sa takot na tamaan ng ligaw na bala ay  napayuko siya kaya’t hindi niya nakita ng malinaw ang mukha ng salarin.

Nakita na lamang umano niya na nagmamadali ng tumakas ang suspek habang duguan na nakatihaya at wala ng buhay ang biktima. Nakuha sa lugar na pinangyarihan ng krimen ang limang basyo ng kalibre .45 baril na ginamit ng salarin. Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa naturang pamamaslang.

 

vuukle comment

BARRIO DAOP-PA

CITY POLICE

EDUARDO SINGSON

INAALAM

JOEL AGUSTIN

MERVILLE

MERVILLE ACCESS ROAD

WEST SERVICE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with