^

Police Metro

Sinuyod ng truck… Lola tigok, apo malubha

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Tigok ang isang lola habang sugatan naman ang apo nito matapos na suyurin ng isang truck ang isang bicycle accessories store na kinaroroonan nila sa Antipolo City kamakalawa ng hapon.

Ang biktimang si Jo­sephine Alburo, 54, resi­dente ng Block 10, Northville, Barangay Bagong Nayon ay kaagad na nasawi dahil sa aksidente bunsod nang tinamong matinding pinsala sa katawan at ulo, habang nilalapatan naman ng lunas sa Antipolo Medical Hospital ang kanyang apong si John Carlo Bualoy, 1-taong gulang.

Tinutugis naman na ng mga awtoridad ang tumakas na driver ng truck na nakilalang si Johny Celeste, nasa hustong gulang, residente naman ng Barangay Bagtas, Tanza, Cavite.

Batay sa ulat ng pulisya, nabatid na dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Marcos Highway (Sto. RosarioCemetery) sa Brgy. Sta Cruz, Antipolo City.

Minamaneho ni Celeste ang isang Isuzu Wing Van Truck (RME-155) sa kahabaan ng Marcos High­way patungo sa Masinag Area at pagsapit sa lugar ay bigla na lang umanong nag-lock ang manibela nito at nawalan ng kontrol hanggang sa tuluyang masuyod ang naturang tindahan na kina­roroonan ng mag-lola.

Napinsala rin sa aksi­dente ang pader ng sementeryo na nasa lugar matapos mabangga ng truck.

vuukle comment

ANTIPOLO CITY

ANTIPOLO MEDICAL HOSPITAL

BARANGAY BAGONG NAYON

BARANGAY BAGTAS

ISUZU WING VAN TRUCK

JOHN CARLO BUALOY

JOHNY CELESTE

MARCOS HIGH

MARCOS HIGHWAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with