^

Police Metro

3 tepok sa dump trak vs bulk carrier

Joy Cantos - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Nasawi ang tatlong katao na kinilalang sina  Christian Legaspi, 24, driver ng dump truck; kasamahan nitong si Arcy Solis at ang driver ng bulk carrier na si Rio de los Santos matapos na magbanggaan ang kanilang mga minamanehong sasakyan kahapon ng madaling-araw sa Norzagaray, Bulacan.

Patuloy namang nilalapatan ng lunas matapos na ilipat sa Malolos City Hospital ang sugatang si Michael de Sajo, kasamahan ni De los Santos .

Sa ulat, kasalukuyang bumabagtas sa AZT Road sa Brgy. Matictic, Norzagaray ang dump truck (RLV 360) na may mga kargang uling nang makabanggaan ang kasalubong na bulk carrier.

Sa lakas ng pagkakabangga ay natanggal ang propeller ng dump truck kung saan halos napisak sa insidente ang mga nasawing biktima at minalas ding mamatay ang driver ng kasalubong nitong behikulo.

vuukle comment

ARCY SOLIS

BRGY

BULACAN

CHRISTIAN LEGASPI

MALOLOS CITY HOSPITAL

MATICTIC

NASAWI

NORZAGARAY

PATULOY

SAJO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with