^

Police Metro

2 bus nagsalpukan: 12 sugatan

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dalawang bus ang nagsalpukan sa kahabaan ng EDSA na ikinasugat ng 12 katao kahapon ng umaga sa Makati City.

Batay sa ulat ng Me­tropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, dakong alas-7:20 ng umaga sa may kanto ng EDSA at Gil Puyat Avenue ay nagsalpukan ang isang Ralph Benz bus at isang Precious bus.

Rumesponde naman sa aksidente ang MMDA Rescue Unit at isinugod sa Ospital ng Makati ang 12 biktima na pawang mga pasahero ng Precious bus na patungong Ayala.

Ayon sa tsuper ng Ralph Benz bus na biyaheng Baclaran na si Fidel Inage, nawalan siya ng preno kaya diretso niyang nabangga sa likuran ang sinusundan na Precious bus.

Nakatakdang kasuhan  ng reckless imprudence resulting to multiple physical injuries si Ina­ge. Nagdulot naman ng matinding pagsisikip sa daloy ng trapiko sa natu­rang bahagi ng EDSA ang aksidente na umabot pa hanggang Timog Avenue sa Quezon City.

vuukle comment

AYALA

FIDEL INAGE

GIL PUYAT AVENUE

MAKATI CITY

MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

RALPH BENZ

RESCUE UNIT

TIMOG AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with