^

Police Metro

Preso inuntog ang ulo sa rehas, todas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 32-anyos na la­laking preso matapos nitong iuntog ang kanyang ulo sa rehas na bakal sa pinagkukulungang police station kamakalawa sa Quezon City.

Ang biktima ay na­kilalang si Roberto Ma­rasigan na nakulong noong Pebrero 1 dahil sa tatlong kaso kabilang ang gun ban.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi ay kababalik lang ng biktima sa banyo nang ito ay magwala sa loob ng detention cell ng Talipapa Police Station na matatagpuan sa may Quirino Highway, Talipapa.

Agad na pinayapa ng mga pulis ang biktima at binalaan na huwag na ulitin, subalit sa halip umano na maging kalmado ay lalong nagwala at iniuntog ng malakas ang ulo sa rehas na bakal na sanhi para siya ay mawalan ng malay tao. Itinakbo ito sa Quirino Memorial Medical Center, subalit idineklara rin itong patay.

 

vuukle comment

BATAY

ITINAKBO

PEBRERO

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

ROBERTO MA

TALIPAPA

TALIPAPA POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with