^

Police Metro

“Hindi ako sasama sa inyo, kayo ang sumama sa akin”… mas pinili ang magpakamatay kaysa maaresto

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mas pinili pa ng isang lalaki na mag­pakamatay sa pamamagitan nang pagtalon sa ilog Pasig kaysa  paaresto sa mga barangay tanod naganap kahapon ng umaga sa Sta. Ana, Maynila.

Ang biktima ay nakilalang si Benedict Soriano, 25, ng Bldg. 5 Phase IV, Guadalupe Bliss, Bgy. Pembo, Makati City ay natagpuang palutang-lutang sa ilog Pasig sa likuran ng Save More Market ng nasabing lugar dakong alas-8:20 ng umaga.

Bago nangyari ang insidente ay nagkaroon umano ng pagtatalo ang biktima at mga barangay tanod dahilan upang arestuhin ito.

Nang aktong dadalhin ang biktima ng mga tanod ni Kagawad Gary Valdez ng Brgy. Pembo ay pumalag ang una at lumakad papuntang ilog saka ito tumalon at nagsalita pa ito na “hindi ako sasama sa inyo, kayo ang sumama sa akin”.

Mula noon ay hindi na nakita ang biktima  hanggang kahapon ng umaga ay natagpuan ang bangkay nito na naka­lutang sa nasabing lugar.

Bagama’t duda ang pulisya sa pag­kamatay ng biktima ay wala na itong nagawa matapos na tumanggi ang pamilya nito na ipa-autopsy ang  bang­kay.

Nagtataka naman ang pulisya kung bakit hindi sinagip ng mga barangay tanod ang biktima nang ito ay tumalon sa ilog at pinabayaan na lamang na malunod ito.

vuukle comment

BAGAMA

BENEDICT SORIANO

BGY

GUADALUPE BLISS

KAGAWAD GARY VALDEZ

MAKATI CITY

PASIG

PEMBO

SAVE MORE MARKET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with