Lalaking dayo dinedo

MANILA, Philippines - Kamatayan ang su­ma­lubong sa isang lalaki sa pagdayo nito sa Ba­seco Compound, Port Area, Maynila nang matagpuan itong may tama ng bala sa ulo kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay nakila­lang si Antonio Santos, residente ng no. 194 Rizal St., Poblacion VII, Cavite City.

Batay sa ulat, dakong alas-5:30 ng umaga nang  madiskubre ang nakahandusay at duguang biktima sa Block 1 Dubai, Baseco Compound, Port Area.

Naghahabol pa ito ng hininga kaya’t dinala sa ospital, subalit namatay din ito.

Malaki ang hinala ng pulisya na dayo lang sa lugar ang biktima dahil wa­lang residente na nakakakilala dito.

Wala pang matukoy na suspek ang mga otoridad.

 

Show comments