Militiaman inutas ng NPAs

MANILA, Philippines - Tinadtad nang bala ng apat miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang kasapi ng CAFGU Active Auxiliary (CAA)  sa loob mismo ng kanyang bahay sa Brgy. Awao, Agu­san del Sur.

Ang biktima na namatay noon din dahil sa mga tama ng bala sa katawan ay kinilalang si Danilo Bacudan.

Batay sa ulat, dakong alas-2:15 ng hapon may dalawang araw na ang nakakalipas ay nag­lala­kad si Bacudan at kasama ang isang Darwen Laspinas sa Purok 12, Brgy. Awao nang  harangin ng apat na NPA rebels at tinutukan ng baril at pinagsabihang huwag magtatangkang tumakas.

Subalit, nagtatakbo ang biktima kung kaya’t binaril at tinamaan at pumasok sa kanilang bahay.

Hinabol ng mga rebelde ang biktima sa loob ng kaniyang bahay at muling pinagbabaril hanggang sa masawi.

Show comments