^

Police Metro

Sangla na DVD player tinubos ng dugo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Naging sanhi pa ng kamatayan ng isang 34-anyos na construction worker  ang kanyang pagmamagandang loob sa pagtanggap niya ng sangla sa DVD player ng kapitbahay nang barilin siya nito matapos ang kanilang pagtatalo nang hindi pumayag ang una na tubusin na walang bayad ang isinangla kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang biktimang si Alexander Carlos Pastrana, no. 1320 Carlos P. Garcia St., Moriones, Tondo.

Ang suspek na pinag­hahanap ng pulis­ya ay nakilalang si Manuel Ma­hinay Jr., may-asawa, jobless, ng Road 10 sa panulukan ng Moriones, Tondo.

Batay sa ulat, nagsangla ang suspek noong Oktubre  2012 ng DVD portable player   sa biktima sa halagang P1,200.00 at makalipas umano ang ilang linggo, nagbalik si Mahinay upang kunin ng walang tubos ang DVD sa biktima kaya  nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.

Kamakalawa ng alas 10:30 ng gabi   ay  sumulpot si Mahinay para sabihing balewalain na nila ang nakaraan nilang pag-aaway na pinaniwalaan naman ng biktima.

Nang pumasok sa bahay ang live-in ng biktima na si Aileen Villa at naiwan ang dalawa sa labas ng kanilang bahay nang  makarinig ito ng putok ng baril  at ng kanyang labasin ay nakita ang biktima  na duguang nakahandusay.

vuukle comment

AILEEN VILLA

ALEXANDER CARLOS PASTRANA

BATAY

CARLOS P

GARCIA ST.

KAMAKALAWA

MAHINAY

MANUEL MA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with