^

Police Metro

Mister todas, misis sugatan sa 3 salarin

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang isang mister habang sugatan ang misis nito makaraang pagsasaksakin ng tatlong suspek na humarang sa kanilang daraanan sa Valenzuela City, kahapon ng mada­ling-araw.

Nakilala ang nasawi na si Roger Gonzaga, 37-an­yos, residente ng T. Samson Street, Llano, Ca­loo­can City.  Ginagamot naman sa Valenzuela Ge­neral Hospital ang misis nitong si Luz Gonzaga, 27-anyos, na nagtamo ng tama ng saksak sa kamay.

Nadakip naman ng mga rumespondeng pulis ang mga suspek na sina Jeric Cuaresma, 20 ng Pun­turin; Alvin Manuel, 23; Jon-Jon Ignacio, 22,  kapwa ng Paso De Blas, ng naturang lungsod. 

Sa ulat ng Valenzuela City Police, naganap ang krimen dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Ge­ne­ral Luis Street, Brgy. Paso De Blas, ng naturang lungsod. 

Nabatid na sakay ng tricycle ang mag-asawa pa­pauwi ng kanilang bahay nang harangin ng tatlong suspek.

Tinangka pang maka­takbo ng nasawing si Ro­ger ngunit nakorner ito ng mga suspek at sunud-sunod na pinagsasaksak.  Sumaklolo naman ang misis nito kaya ito tinamaan ng saksak sa kamay.

Agad namang nagsaga­wa ng follow-up operations ang magkasanib na puwersa ng Valenzuela Police at mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip ng tatlong suspek.

Inaalam ngayon ng pulisya ang motibo ng natu­rang pamamaslang habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong murder at frustrated murder sa mga suspek.

vuukle comment

ALVIN MANUEL

JERIC CUARESMA

JON-JON IGNACIO

LUIS STREET

LUZ GONZAGA

PASO DE BLAS

ROGER GONZAGA

SAMSON STREET

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with