^

Police Metro

Ginang na dadalaw sa kulungan tiklo… Shabu sa ari nabisto

Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi nakalusot ang pagtatago ng shabu sa ari ng isang 42-anyos na ginang na balak ipuslit sa loob ng Pasay City Jail ma­karaang makapkap ng babaeng jail guard kaha­pon ng tanghali.

Agad na inaresto at dinala sa katabing Pasay City Police-Criminal In­vestigation and Detective Management Section ang suspek na si Rena Ariola, ng no. 126 P. Gomez St., Pamplona, Las Piñas City.

Sa ulat, dakong ala-1:47 ng hapon nang tang­kain ni Ariola na pumasok sa Pasay City Jail upang dalawin ang bilanggong si Hero Abdulah, nahararap sa kasong pagtutulak ng iligal na droga. 

Pinapirma si Ariola sa “waiver” nina Jail Of­ficer 2 Edna Iglesia, JO1s Lawela Pinera at Melanie Doble para makapkapan ang buong katawan.

Napuna na umano ng mga babaing jail guard ang pamumutla at ma­tinding kaba ni Ariola ha­bang masusi siyang kinakapkapan kaya’t ini­utos sa kanya na ibaba ng hanggang tuhod ang suot niyang pants at panty.

Nang kapkapan ang kanyang maselang parte ng katawan ay dito na nadiskubre ang maliit na plastic sachet na binalot ng masking tape na bahag­yang isinuksok sa loob ng ari ng suspek.

vuukle comment

ARIOLA

DETECTIVE MANAGEMENT SECTION

EDNA IGLESIA

GOMEZ ST.

HERO ABDULAH

JAIL OF

LAS PI

LAWELA PINERA

PASAY CITY JAIL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with