^

Police Metro

Lasog ang katawan, natanggal ang ulo… ginang Tumalon sa kanyang kamatayan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Lasog ang katawan at natanggal pa ang ulo ng isang gi­nang matapos itong mag­pakamatay sa pa­ma­magitan ng pagtalon mula sa ika-27 palapag ng isang gusali kahapon ng umaga sa Pasig City.

Ang biktima ay na­ki­lalang si Josephine Ma­ranan, 45, may-asawa, da­ting empleyada ng Groiler Scholastic/RBE Distributor at residente ng #821 Negros St., Sam­paloc, Maynila.

Batay sa ulat ng pu­lis­ya, bago naganap ang pag­papakamatay ng bik­tima bandang alas-9:25 ng umaga ay umakyat ito sa roof deck ng Prestige Tower na matatagpuan sa Garnet Road, Barangay San Antonio, Ortigas ng lung­sod.

Ayon sa isang opisyal ng barangay na si Melvin Villaruz, na nakita ito ng sekyu na umakyat sa roof deck ng nasabing gu­sali at namaybay pa umano ito sa kongkretong harang na wala sa sarili at problemado.

Pinakiusapan ito na huwag ituloy ang pag­pa­­­pakamatay, subalit hindi ito pinakinggan ng biktima at biglang tu­­ma­­lon.

Pagbagsak sa se­men­­­tadong kalsada ng biktima ay natanggal ang kanyang ulo at nag­­kalasug-lasog ang katawan at hindi na ma­kilala.

Narekober ng mga otoridad sa biktima ang isang kulay brown na bag na may lamang P3,000 at visitor’s ID.

vuukle comment

AYON

BARANGAY SAN ANTONIO

GARNET ROAD

GROILER SCHOLASTIC

JOSEPHINE MA

MELVIN VILLARUZ

NEGROS ST.

PASIG CITY

PRESTIGE TOWER

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with