^

Police Metro

Nag-fb binoga sa ulo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Binoga sa ulo at agad na nasawi ang isang 34-an­yos na taxi driver habang nagpi-facebook sa loob ng internet shop, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center (JRMMC)  ay nakilalang si Joseph Ypon, residente  ng Building 16, Unit 116 Katuparan, Tondo,  Maynila bunga ng tinamong bala  sa katawan.

Sinasabing dalawang  lalaki na sakay ng isang hindi nakuhang plaka na motorsiklo ang mabilis na tumakas matapos ang pagbaril at pagpatay sa biktima.

Inilarawan ang gunman na  nakasuot ng itim na jacket, kulay brown na shortpants at helmet na armado ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Po­lice District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa loob ng Damache computer shop sa Building 15, Unit 119, Vitas Katuparan, Tondo.

Habang abala umano sa pagpi-facebook ang biktima nang dumating ang mga suspek na riding in tandem, bumaba ang backride na nakahelmet at nang makita ang biktima ay binaril sa ulo, bago bu­malik sa motorsiklo at tumakas.

Nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang mga tauhan ng Manila’s Finest para maaresto ang mga suspek at mabatid ang motibo ng krimen.

 

vuukle comment

BINOGA

DAMACHE

DISTRICT-HOMICIDE SECTION

GLENZOR VALLEJO

JOSE REYES MEMORIAL ME

JOSEPH YPON

MANILA PO

MAYNILA

VITAS KATUPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with