3 riders utas sa salpukan

MANILA, Philippines - Tatlong sakay ng dalawang motorsiklo ang nasawi matapos na sila ay magbanggaan sa kahabaan ng highway ng Brgy. Caidguid, Mambusao, Capiz  kamakalawa ng gabi.

Idineklarang dead-on-arrival sa Mambusao District Hospital ang biktimang si Master Sergeant Charlie Quicoy, 52-anyos, 1st Sergeant ng 3rd Infantry Division (ID) ng Camp Peralta sa Jamindan, Capiz.

Habang alas-2:00 ng madaling-araw kahapon ay magkasunod na  binawian ng buhay sa Iloilo Mission Hospital at Western Visayas Medical Center sa Iloilo City ang dalawa pang biktima na sina Allan Alarba ng San Rafael, Iloilo, retiradong kasapi ng Phil. Army at Beltran Solmayor.

Batay sa ulat, bandang alas-8:30 ng gabi ay magkaangkas sa motorsiklo sina Quicoy at Alarba ng makabanggaan nila si Solmayor habang bumabagtas sa kahabaan ng nasabing highway.

Show comments