Top spot puntirya ng NU

MANILA, Philippines — Hangad ng Natio­nal University na maging No. 1 seed pagkatapos ng elimination round sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament.

Tangan ang 6-2 record, makakaharap ng NU ang Ateneo de Manila University ngayong alas-2:30 ng hapon kasunod ang bak­bakan ng Adamson Uni­versity at Far Eastern Uni­versity sa alas-5 ng ha­pon sa Smart Araneta Co­liseum.

Nasa pangalawang pu­westo ang Bulldogs at ang pagresbak sa Blue Eagles ang magtatabla sa ka­nila sa University of the Philippines Fighting Ma­roons sa top spot.

Pakay ng NU na kapitan ang kanilang momentum partikular sa kanilang depensa na naging susi sa paggupo sa Adamson, 79-43, noong Sabado.

Sumasakay ang Bulldogs sa isang four-game winning streak at posiblenmg humaba sa lima.

Tinuka ng Blue Eagles ang Bulldogs, 87-76, sa first round matapos umiskor si Kieffer Alas ng 10 sa kanyang 18 points sa fourth quarter.

“We’ll try our best kasi especially, sila ang tumalo sa amin sa first round. So we will do our best to compete again, and hopefully, maging favorable for us,” ani NU coach Jeff Napa sa layunin nilang magantihan ang Ateneo.

Show comments