Pistons sinapawan 76ers

PHILADELPHIA — Bu­manat si Cade Cun­ning­ham ng 26 points at humakot si John Collins ng 16 points at 11 rebounds sa 106-93 pagsapaw ng Detroit Pistons kay LeBron James at sa 76ers.

Dumiretso ang Detroit sa kanilang ikatlong sunod na panalo bagama’t wala si All-Star center Jalen Du­ren na may strained right ham­string.

Hindi naman naglaro para sa Philadelphia (3-1) sina starters Joel Embiid at VJ Edgecombe.

Umiskor si Tyrese Ma­xey ng 29 points at may 18 markers si James para sa unang kabiguan ng Sixers.

Sa Oklahoma City, kumamada si Shai Gilgeous-Alexander ng 34 points at may 18 markers si Ajay Mitchell mula sa bench sa 108-101 pagdaig ng Thunder (3-0) sa Los Angeles Clippers (1-2).

Nabalian ng kaliwang binti si All-Star guard Jalen Williams ng OKC dahil sa kanyang masamang bag­sak mula sa isang drive sa huling 1:14 minuto.

Samantala, wagi ang Los Angeles Lakers sa Utah Jazz, 132-123, at di­naig ng Orlando Magic ang nagdedepensang New York Knicks, 111-102.

Show comments