Choco Mucho babangon laban sa Galeries

MANILA, Philippines — Pipilitin ng Choco Mu­cho na makabangon mula sa unang pagkatalo, habang ang makasampa sa win column ang misyon ng Galeries Tower sa kanilang upakan sa 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Siklab leg.

Lalabanan ng Fl­ying Ti­tans ang Highrisers nga­yong alas-6 ng gabi a Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.

Mag­-uunahan ang Farm Fresh Foxies at Akari Chargers sa back-to-back wins sa ala-1 ng hapon.

Tabla sa liderato ang Creamline at Nxled bitbit ang parehong 3-0 baraha kasunod ang Choco Mu­cho (2-1), Farm Fresh (2-1), Capital1 Solar Energy (2-2), Akari (1-2), PLDT (1-2), ZUS Coffee (0-3) at Galeries Tower (0-3).

Nadiskaril ang hangad na ikatlong sunod na pa­nalo ng Flying Titans nang malusutan ng Foxies, 25-20, 28-26, 23-25, 23-25, 13-15.

Bagsak naman ang Highrisers sa Chameleons, 16-25, 25-22, 17-25, 19-25, sa huli nilang laro.

 

Show comments