^

PM Sports

UST kakawala sa 3-way tie

Elech Dawa - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatambay sa three-way tie sa third spot ang University of Sto. Tomas, pakay nilang mapaganda ang kanilang karta sa pagsagupa sa University of the Philippines sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Tangan ang 4-3 karta, ka­parehong karta ng UST ang Adamson University at Far Eastern University, ha­bang nasa tuktok ang UP kasalo ang National Uni­ver­sity sa pareho nilang 5-2 baraha.

Magbabanatan ang Growling Tigers at Figh­ting Maroons ngayong alas-5 ng hapon matapos ang laban ng nagdedepen­sang La Salle Green Archers at University of the East Red Warriors sa alas-2:30 ng hapon.

Luhod ang UST sa UP sa una nilang pagkikita sa first round.

Makakatuwang ni Mark Llemit para sa Grow­ling Tigers sina Ni­ge­rian big man Collins Akowe at Amiel Acido.

Sumasakay naman ang Fighting Maroons sa isang five-game winning streak.

UAAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with