Hoffman, Bossong may pag-asa pa sa Olympic berth

MANILA, Philippines — May tsansa pa sina Fil-Americans Victoria Bossong at Lauren Hoffman ng Filam Sports stable para makakuha ng Olympic berth sa Paris, France sa Hulyo.

At posible itong magawa nina Bossong at Hoffman sa ICTSI Philippine Athletics Championships sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Target ni Hoffman na makasikwat ng Olympic ticket sa women’s 400m hurdles.

“I will accomplish the goal of making the Olympics, I’m trying to do that,” ani Hoffman sa Paris Olympics standard na 54.85 segundo.

Sumasalang naman ang 21-anyos na si Bossong sa women’s 800m run kung saan siya naglista ng 2:00.92 sa Pepsi Florida Relays noong Marso na isa sa pinakamabilis na naitala ng isang US NCAA Division I runner sa 2024 season.

Malapit ito sa Olympic standard na 1:59.30.

 

Show comments