^

PM Sports

Hotshots, E-Painters itutuloy ang ratsada

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Walang planong magpaawat ang nagliliyab na Magnolia at Rain or Shine kontra sa magkaibang karibal upang mapalakas ang kanilang tsansa sa playoffs ng 2024 PBA Philippine Cup ngayon sa Ninoy Aquino Stadium.

Bukod sa lider at walang galos na San Miguel Beer (5-0), ang Hotshots (3-2) at Elasto Painters (4-4) ang may hawak ng pinakamahahabang winning streak papasok sa krusyal na bahagi ng single-round eliminations.

Nakasakay sa two-game win run ang Magnolia habang apat na sunod na panalo naman ang alas ng Rain or Shine kaya tangka nilang mapalawig ito kontra sa Blackwater at NorthPort, na sa kabilang banda ay umiinda ng losing skids, ayon sa pagkakasunod.

Sasagupain ng Rain or Shine ang NorthPort sa alas-4:30 ng hapon bago ang duwelo ng Magnolia at Blackwater sa alas-7:30 ng gabi.

Maalat ang naging simula ng Magnolia, sa 1-2, at Rain or Shine, sa 0-4, bago makuha ang dating porma upang makahabol sa mga lider ng All-Filipino Conference.

Nasa ikaapat na puwesto ang Hotshots nga­yon habang pang-anim naman ang Elasto Painters kaya pasok sa playoffs sa ngayon.

Kagagaling lang ng Magnolia sa 107-93 pana­lo kontra sa Phoenix habang kinaldag naman ng RoS ang Terrafirma, 116-104, subalit ayaw magkampante sa Blackwater at NorthPort.

Taliwas sa kanilang mga katunggali, mainit ang naging simula ng NortPort, sa 4-1, at Blackwater, sa 3-4, bago makalasap ng sunud-sunod na pagkatalo.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with