Stajcic goodbye na sa Filipinas

MANILA, Philippines — Tuluyan nang lilisanin nina head coach Alen Stajcic at assistant coach Nahuel Arrarte ang Phi­lippine women’s national football team matapos ang matagumpay na kam­panya ng Filipinas sa FIFA World Cup.

Napaso na ang kontrata nina Stajcic at Arrarte.

Ngunit nagpasya ang dalawa na hindi na irenew ang kanilang kontrata sa Filipinas upang humanap ng iba pang opsiyon sa kanilang coaching career.

Nagpasalamat si Sta-jcic kay Filipinas team manager Jefferson Cheng sa tiwalang ibinigay nito upang hawakan ang prog­rama ng national team.

“I would first and foremost like to express my gra­titude to Sir Jeff for gi­ving us the opportunity and entrusting us with the keys to the National Team,” ani Stajcic.

Sa ilalim ni Stajcic, tinulungan nito ang Filipinas na makapasok sa semifinals ng 2022 Asian Cup dahilan para makasiguro ito ng tiket sa FIFA World Cup.

Nakasungkit din ang Filipinas ng tanso sa 32nd SEA Games sa Hanoi, Vietnam noong 2021 habang naibulsa rin ng tropa ang AFF Wo­men’s Championship crown.

“Throughout nearly 20 months we went on a journey together as a team from outsiders in South-East Asia to winning a match at a World Cup,” ayon pa sa veteran coach.

Pinakamaningning ang pagtarak ng Pilipinas ng unang panalo sa World Cup nang igupo nito ang New Zealand sa iskor na 1-0.

Pinuri rin ni Stajcic ang mga players nito na nagbuhos ng dugo’t pawis para maabot ang kasalukuyang kinalalagyan nito.

“To the players, I can only say, you were courageous, passionate, disciplined and loyal to the Team, the Flag and the Country. Your sacrifices should be long remembered by all Philippine Sports fans,” ani Stajcic.

Show comments