^

PM Sports

Sotto desididong lumaro para sa Gilas

Chris Co - Pang-masa
Sotto desididong lumaro para sa Gilas
Dumating si Kai Sotto sa PhilSports Arena para manood ng championship game ng Creamline at Kurashiki sa PVL Invitationals Conference nitong Linggo.
Russell Palma

MANILA, Philippines — Sabik na si Kai Sotto na maglaro at suotin ang Gilas Pilipinas jersey.

Walang duda na gustong-gusto nito maglaro sa Gilas Pilipinas sa anumang international tournaments.

Ilang araw na absent si Sotto sa training camp ng Gilas Pilipinas.

Dumarating ito sa ve­nue ngunit hindi ito nagsasanay.

Idinahilan ng 7-foot-3 Pinoy cager ang back injury na tinamo nito sa NBA Summer League stint nito kamakailan kasama ang Orlando Magic.

Hinihintay lamang ni Sotto na gumaling ng lubusan ang injury nito upang makapagserbisyo ito ng 100 porsiyento para sa Gilas Pilipinas.

“Excited ako parati.Hinihintay ko lang talaga na mag-heal ang likod ko para 100 percent ako sa games,” ani Sotto.

Wala pang linaw kung makakasama si Sotto sa pocket tournament na lalahukan ng Gilas Pilipinas sa Guangdong, China.

Ang pocket tournament ay bahagi ng paghahanda ng Gilas Pilipinas para sa FIBA World Cup na aarangkada sa Agosto 25.

Dedma rin si Sotto sa pahayag ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na kailangan na nitong mag-ensayo dahil hindi ito NBA player gaya ni Jordan Clarkson.

Sinabi nitong nagkita na sila ni Reyes sa tuneup game ng Gilas Pilipinas laban sa Ateneo Blue Eagles noong Hulyo 19.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

KAI SOTTO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with