^

PM Sports

Eentra muli ang mga Dragons

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

PARIS — Kahit na sakal pa rin ng pandemic, tumabo ang Philippine Basketball Association ng all-time high income sa nakalipas na Season 47, at malaking dahilan dito ang pagsali ng Bay Area Dragons sa Commissioner’s Cup.

Malaki ang nakubra ng PBA na entry fee mula sa Dragons, bukod pa dito ang mga nakalap na sponsorships.

At syempre malaki rin ang kanilang kinita sa putok na best-of-seven finals series sa pagitan ng Barangay Ginebra Kings at Bay Area Dragons.

Pero dahil magsisimula pa lang ang kanilang planning session sa kaakit-akit na syudad na ito, ayaw pa nila PBA board chairman Ricky Vargas at commissioner Willie Marcial na ibahagi ang mga numero.

Bago ang meeting, ang mukhang madaling sabi­hing plantsado na eh ang muling pagsali ng Dragons sa parating na Season 48.

Paano mo nga naman tatanggihan ang siguradong grasya!

Ang hihimayin na lang eh mga bagay na babalanse ng laro sa pagitan ng Dragons at lahat ng PBA teams.

Last year, nahayaan ang Bay Area na mag-rotate ng imports sa pagitan nina Myles Powell at Andrew Nicholson.

Syempre naman, ma­laking bentahe ito sa guest team mula Hong Kong/Macau dahil nanatiling fresh ang kanilang import sa kabuuan ng torneo.

Yun nga lamang, ipinakita pa rin ni Ginebra coach Tim Cone at kopo­nan ang kanilang grit, guts at determinasyon, kaya wagi sa deciding Game 7.

Pero malamang na determinado rin ang Bay Area sa kanilang PBA comeback. Masarap itong abangan!

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with