^

PM Sports

Pagmamaktol

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Mula pa sa kanyang panahon sa Blackwater, mahabang serye na ang kinakitaan si Poy Erram ng insidente nang pagtotoyo sa loob ng court.

At ito ay bagay na hindi nakakatulong sa kanya at ganoon din sa kanyang koponan.

Tila pagkapikon sa kalaban at madalas na angal sa tawag ng referee ang mga trigger ng tantrums o pagmamaktol ng 6-foot-8 center.

Muling kinakitaan si Erram ng ganitong bagay sa Game 1 ng Ginebra-TNT title playoff noong nakaraang gabi, at nakatulong ito sa tuluyang pagbulusok sa talo ng Tropang Giga, 90-102.

Araguy!

Hindi nagtimpi sa pananalita si coach Jojo Lastimosa pagkatapos ng laro. Aniya nagiging “distraction” na si Erram sa koponan at kailangan niyang umayos kung gustong makatulong sa hangarin nilang talunin ang kalaban.

Masusubok ngayon ang karakter, asal at pag-iisip ni Erram kung paano siya magre-react sa mga susunod na laro.

Itotono ba ang isipan o lalong tatamaan ng toyo?

Krusyal ang posisyon ni Erram lalo na sa ngayon dahil out of commission na nga si Kelly Williams, nasaktan pa si Justin Chua sa pasimula pa lang ng Game 1.

Mabigat kalaban ang grand-slam-seeking Barangay Ginebra Kings. Mas bibigat ito kung dadagdagan pa ng pagmamaktol — at di paglalaro ng tama — ng sinuman mula sa TNT camp.

vuukle comment

BLACKWATER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with