^

PM Sports

Flying Titans nakabalik sa porma!

Chris Co - Pang-masa
Flying Titans nakabalik sa porma!
Hinatawan ni Des Cheng ng Choco Mucho ang player ng Philippine Army.
Jun Mendoza

Creamline lusaw sa F2 Logistics

MANILA, Philippines — Matikas na pinatumba ng Choco Mucho ang Philippine Army sa iskor na 26-24, 25-10, 25-17 upang maganda ang simula ng bagong team nito na wala si head coach Oliver Almadro sa Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikatlong panalo ng Flying Titans para pa­lakasin ang tsansa nitong makapasok sa Final Four bitbit ang 3-3 marka.

Wala na sa Choco Mucho si Almadro matapos itong magbitiw bilang head coach.

Humalili bilang inte­rim coach si Edjet Mabbayad.

“Malaking bagay ito (win), naibalik yung kumpiyansa ng mga bata. Medyo hindi maganda ang nangyari sa amin sa past two games ng team,” ani Mabbayad.

Nakalikom si import Odina Aliyeva ng 20 puntos habang nag-ambag si opposite spiker Kat Tolentino ng 14 hits para sa Flying Titans.

Nagsumite naman si Des Cheng ng walong puntos para makatulong sa opensa ng Choco Mucho.

Kailangang maipanalo ng Flying Titans ang hu­ling dalawang krusyal na laban nito kontra sa Creamline Cool Sma­ßshers sa Nob­yembre 17 at Cignal sa Nobyembre 22 para mas tumatag ang pag-asa nito sa semis.

Sa ikalawang laro, naitakas ng F2 Logistics ang 22-25, 23-25, 25-20, 25-19, 15-11 come-from-behind win laban sa Creamline upang lumakas ang pag-asa nito sa Final Four.

Umangat ang Cargo Movers sa 3-2 rekord.

Nadungisan naman ang Cool Smashers na bumagsak sa 5-1 marka.

Gayunpaman, nanatili sa tuktok ng standings ang Creamline dahilan para makisalo ang Chery Tiggo sa No. 1 spot hawak ang parehong 5-1 rekord.

 

vuukle comment

FLYING TITANS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with