^

PM Sports

Sali kami

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Aba teka muna, isali n’yo kami sa usapan.

Parang iyan ang ibinuga ng National U Bulldogs, UE Warriors at Adamson Falcons sa kanilang mga magandang panalo na hinugot noong nakaraang araw.

Bago ito, nakasentro na sa UP Maroons, Ateneo Eagles at La Salle Archers ang usapan kung sinu-sino ang magkakarera papunta sa UAAP Finals.

Nabulabog bigla ang mga basketball expert wannabes sa pananalasa ng Bulldogs, Warriors at Falcons kontra sa Maroons, Archers at FEU Tamaraws.

Pinadapa ng NU ang UP, 80-75; pinagulong ng UE ang La Salle, 81-74; at sinilo ng Falcons ang Tamaraws, 76-65.

Warak ang prognosis na three-way fight.

At baka nga hindi lang rambol ito ng UP,  Ateneo at La Salle.

Nagparamdam na ang ibang koponan na kaya nilang manilat at kaya nilang i-gate-crash ang nakikitang UP-Ateneo-La Salle party.

Maganda naman ito sa liga.

Ang tanong eh, kailan makakahabol ang ibang koponan sa NU Lady Bulldogs at kailan magkakaroon ng exci­ting na UAAP women’s basketball?

 

vuukle comment

NATIONAL U BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with