^

PM Sports

BBM: Sports Guy

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Patuloy ang waiting game sa kung sino ang susunod na mamumuno sa ahensyang nakatutok sa pangangailangan ng mga national athletes, elite sports, grassroots level at sports sa pangkalahatan.

Inihintay din ang magiging kabuuan ng PSC (Philippine Sports Commission) board o ang mga magiging kasama ni bowling legend  Bong Coo na una nang nahirang na manunungkulan bilang commissioner.

Ang nakakatuwa eh ang lumabas sa mga bibig ni Pangulong Marcos sa courtesy call ng triumphant Team Filipinas sa Malacañang noong nakaraang araw.

Agad pinaramdam ang kanyang puso sa sports at ipinangako ang suporta ng gobyerno sa ating mga pambansang atleta.

Batid niya ang pangangailangan ng mga atleta, at gusto niyang lawakan, palakihin at palakasin ang tulong ng gobyerno.

Patuloy ang ratsada ng Philippine sports. Pagpapatunay ang breakthrough championship sa ASEAN women’s football, ang gold-medal feat ni karateka Junna Tsukii sa World Games sa Alabama at ang sangkaterbang gold me­dals na hinahakot ng mga Pinoy lifters sa Asian youth championships sa Tashkent, Uzbekistan.

Nasa kaitaasan ng alapaap si weightlifting president Monico Puentevella dahil nakikinita niya ang patuloy na dagundong ng Philippine weightlifting sa global stage na sinimulan ni Tokyo gold medal winner Hidilyn Diaz.

Sana lang eh makaba­ngon ang ating mga professional boxers, at ganon din ang Gilas Pilipinas.

vuukle comment

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with