Trust fund para sa mga medalists
MANILA, Philippines — Sa wakas ay magkakaroon na ng isang special trust fund ang mga national athletes na mananalo ng medalya sa mga Southeast Asian Games, Asian Games at Olympic Games.
Ito ang inihayag kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Rep. Abraham “Bambol” Tolentino matapos nilang ibigay sa mga Vietnam SEA Games medalists ang cash incentives.
“This trust fund is another milestone for the POC, it has never been done before and we are establishing the fund to motivate and inspire our athletes when they compete abroad,” ani Tolentino.
Nakakuha ang POC ng pondong P13 milyon mula sa ibinigay ng MVP Sports Foundation, San Miguel Corp. at Ulticon Builders, Inc. para sa insentibo ng mga atleta.
Sinabi ni Tolentino na gagamitin ng POC bilang seed money ang natirang P2 milyon mula sa ibinigay ng lnasabing mga principal supporters.
Ibinigay ng POC sa 227 Pinoy athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa Vietnam SEA Games ang kabuuang P11 milyon.
Ang P5.82 milyon ay para sa mga gold medalists at ang P3.2 milyon at P1.97 milyon ay para sa mga silver at bronze winners.
- Latest