Si Reyes ang PBAPC Coach of the Year
MANILA, Philippines — Si Chot Reyes ng TNT Tropang Giga ang hinirang na PBA Press Corps (PBAPC) Coach of the Year para sa Season 46.
Inihatid ni Reyes ang Tropang Giga sa korona ng nakaraang PBA Philippine Cup.
Igagawad sa 58-anyos na si Reyes ang kanyang ikaanim na Virgilio ‘Baby’ Dalupan trophy sa traditional Awards Night ngayon sa Novotel Manila Araneta Center.
Ang pang-anim na Coach of the Year award ni Reyes ay ang pinakamarami sa kasaysayan ng PBAPC, ngunit kauna-uanahan para sa kanya matapos noong 2011.
Tinalo ni Reyes si Tim Cone ng Barangay Ginebra para sa nasabing award makaraang bumalik sa PBA matapos ang halos isang dekada.
Kasama ni Reyes ang 14 pang awardees na pararangalan ng mga nagkokober sa PBA beat sa two-hour affair na pamamahalaan nina veteran sportscaster Sev Sarmenta at Rizza Diaz.
- Latest