^

PM Sports

5th SEAG gold susuntukin ni Marcial sa Cambodia

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Puntirya ni Tokyo Olympics bronze medalist Eumir Felix Marcial na masungkit ang ikalimang sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games.

Wala pang balak kumalas si Marcial sa national team dahil target nitong madepensahan ang kanyang korona sa SEA Games sa susunod na taon.

Gaganapin ang ika-32 edisyon ng SEA Games sa Phnom Penh, Cambodia sa 2023.

“Masarap sa feeling na makapagbigay ng karangalan sa bansa natin kaya hangga’t kaya ko, gagawin ko ang lahat para sa Pilipinas,” ani Marcial.

Sa Agosto ang posibleng ikatlong profes­sional fight ni Marcial.

Ito ang inihayag ng Pinoy pug ilang araw matapos masungkit ang kanyang ikaapat na sunod na gintong medalya sa Southeast Asian Games na ginanap kamakailan sa Hanoi, Vietnam.

Ayon kay Marcial, wala pang eksaktong petsa ng laban at kung sino ang makakaharap nito.

Subalit target ng MP Promotions na isabak ito sa Agosto upang makalikom na agad ng mara­ming pa-nalo sa pro bo­xing.

Kaya naman tuluy-tuloy lang sa ensayo si Marcial upang mapa­­natili ang mataas na kundisyon ng kanyang pangangatawan.

“Wala pa namang fi­nal pero sana sa Agust makalaban na ulit,” ani Marcial.

Pansamantalang mananatili si Marcial sa Pilipinas.

vuukle comment

SEAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with