^

PM Sports

Lady Bulldogs sinakmal ang Lady Warriors

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kinapitan ng National University Lady Bulldogs ang bangis ni Sheena To­ring upang sakmalin ang University of the East Lady Warriors, 25-11, 25-20, 25-13, sa UAAP Season 84 women’s volleyball tournament kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humarabas si Toring ng kanyang 13 points, kasama ang walong kills, tatlong service aces at dalawang blocks upang tulungan ang Lady Bulldogs na ilista ang malinis na apat na panalo.

Bumakas din si Ivy Lacsina ng 13 markers habang kumana si Mhicaela Belen ng 11 points, 11 digs at walong puntos para sa NU na maagang uminit ang kanilang opensa matapos itarak ang 25-11 panalo sa first set.

Kumana si Janeca Lana ng siyam na puntos pero hindi sapat upang itaguyod ang lady Warriors sa panalo.

Nanatiling bokya sa panalo ang UE sa apat na laro.

Sa ikalawang laro, nakatikim na rin ng unang panalo ang nagdedepensang kampeon Ateneo Blue Eagles nang igupo ang Far Eastern University Lady tamaraws, 25-16, 25-14, 25-14.

Bida si Faith Nisperos  na tumikada ng 14 puntos mula sa 11 spikes.

vuukle comment

LADY BULLDOGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with