^

PM Sports

Paalam Zaldy ‘Flor’ Perez

POINT GUARD - Nelson Beltran - Pang-masa

Kasagsagan ng kasupladuhan ng mga senior sportswriters sa mga bagito nang pumasok ako sa sportswriting papatapos ang dekada 80.

Rite of passage ito na pagdadaanan ng mga newbies hanggang maipakita nila ang kanilang writing skills at saka mawe-welcome ng mga beterano.

Brat Pack ang tawag noon sa mga PBA beat ve­terans. Sila ang maingay sa press row, pressroom, at hindi mauunahan sa telepono upang idikta ang kanilang report. (Matagal na panahon pa bago sisibol ang internet).

Pagkatapos ng bakbakan sa pagsulat, sama-sama sila sa umpukan sa tabi-tabing palamigan sa Ultra (PhilSports Arena ngayon). Hindi basta-basta masasama ang mga bagito.

Medyo swerte ako napatabi ako kay seasoned newscaster/sportswriter Zaldy Flor Perez at kinaray-karay kaya’t maagang napasok ang sirkulo ng mga beterano.

Lumago todo ang aming pagkakaibigan hanggang naging sanga-sanga ang pagkukumpare, at sanggang dikit hanggang siya ay tamaan ng sakit at matalo ng Big C noong Sabado.

Buhos sa Facebook ang tributes para kay Pareng Zaldy, pagpapatunay sa matikas na legacy na kanyang nabuo.

Dahil senior citizen na, kasama ang kanyang kababata at mahal na asawang si Annie sa plano na umuwi na sa kanilang mahal na bayang Morong, Bataan, at mamuhay sa pagsasaka.

Sa kanyang buong pamamalagi sa Metro Manila, bukang bibig niya ang Morong, mga kababa­yan at syempre ang kanyang pamilya.

Napauwi siya ng maaga, hindi para simulan ang pagtatanim, kung hindi ang humimlay sa kanyang bayang tinubuan.

Naiwan niya ang kanyang asawa, anak na si Baste, apong si Alon, ang kanyang ina, mga kapatid at mga kaibigan. Nakatakda bukas sa Morong cemetery ang kanyang libing.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with