Cebu Chooks sasabak sa FIBA 3x3
MANILA, Philippines — Makikilatis ang Cebu Chooks sa kanilang debut sa 2022 FIBA 3x3 Dubai Expo Super Quest ngayon.
Isa ang Cebu Chooks sa late entry matapos ang imbitasyon ng FIBA 3x3.
“FIBA 3x3’s invitation came as a surprise as it only came to us last weekend. But we never turn down any challenge that’s why we accepted it,” ani Chooks-to-Go president Ronald Mascariñas sa naturang Level 8 tournament.
Makakalaban ng Cebu Chooks ang Riga ng Latvia sa alas-7:25 ng gabi (Manila time) bago sumalang kontra sa Chicago ng USA at Antwerp ng Belgium sa alas-9:30 at alas-11:35 ng gabi, ayon sa pagkakasunod.
Nasa kabilang grupo naman ng torneo ang No. 3 na Liman ng Serbia, No. 9 San Juan ng Puerto Rico, No. 10 Lausanne ng Switzerland at koponan mula sa host na Dubai.
Babandera sa koponan ni head coach Aldin Ayo sina Mac Tallo, Zach Huang, Brandon Ramirez at Cameroonian Mike Nzeusseu.
Noong nakaraang linggo naikasa ng Chooks ang global partnership sa FIBA bago ang hosting Southeast Asia Super Quest sa sa Abril pati na ang Chooks-to-Go Manila Masters (Mayo) at Cebu Masters (Oktubre) bilang bahagi ng FIBA 3x3 World Tour.
- Latest