^

PM Sports

Paat, Dindin hataw sa Thailand

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tiwala sina national mainstays Mylene Paat at Dindin Santiago-Manabat na magtutuluy-tuloy ang magandang inilalaro ng mga ito upang tulungan ang Nakhon Ratchasima sa kampanya nito sa second round ng Thailand Volleyball League.

Ilang araw pa lamang kasama ni Santiago-Ma­nabat ang Nakhon Ratchasima sa training ngunit naging maganda agad ang resulta ng kanyang debut game.

Nagtala agad ang outside hitter ng 12 puntos sa 25-17, 25-15, 25-22 demolisyon ng Nakhon Ratchasima sa Nakornnont sa larong ginanap sa Nimibutr Stadium sa Bangkok.

Hindi pa kuntento si San­tiago-Manabat sa ipina­malas nito.

“Magtatagpo din kami. Sorry na po, nag-aadjust pa ako two days pa lang ka­ming nagtraining. Magkoconnect pa kami. Sorry na agad agad,” ani Santiago-Manabat.

Inaasahang mas lolobo pa ang produksiyon ni San­tiago-Manabat sa oras na magamay nito ang laro ng kanyang koponan.

Ramdan na ramdam din ang puwersa ni Paat na siyang top scorer ng Nakhon Ratchasima kung saan humataw ito ng 24 puntos kabilang ang 11 puntos sa second set.

Umangat ang Nakhon Ratchasima sa 5-4 rekord para sa No. 4 spot. Bagsak naman sa 4-6 baraha ang Nakornnont.

vuukle comment

MYLENE PAAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with