UST kakawala sa 3-way tie
MANILA, Philippines — Nakatambay sa three-way tie sa third spot ang University of Sto. Tomas, pakay nilang mapaganda ang kanilang karta sa pagsagupa sa University of the Philippines sa UAAP Season 89 men’s basketball tournament na lalaruin sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Tangan ang 4-3 karta, kaparehong karta ng UST ang Adamson University at Far Eastern University, habang nasa tuktok ang UP kasalo ang National University sa pareho nilang 5-2 baraha.
Magbabanatan ang Growling Tigers at Fighting Maroons ngayong alas-5 ng hapon matapos ang laban ng nagdedepensang La Salle Green Archers at University of the East Red Warriors sa alas-2:30 ng hapon.
Luhod ang UST sa UP sa una nilang pagkikita sa first round.
Makakatuwang ni Mark Llemit para sa Growling Tigers sina Nigerian big man Collins Akowe at Amiel Acido.
Sumasakay naman ang Fighting Maroons sa isang five-game winning streak.
- Latest



















