^

PM Sports

Aldin Ayo balik sa pagko-coach sa MPBL

Pang-masa
Aldin Ayo balik sa pagko-coach sa MPBL
Aldin Ayo.

MANILA, Philippines — Magbabalik si dating University of Santo Tomas mentor Aldin Ayo bilang head coach para sa Bicol Volcanoes sa Mahar­lika Pilipinas Basketball League (MPBL).

Magiging MPBL homecoming rin ito ni Ayo matapos gabayan ang Muntinlupa Cagers noong 2018 bukod sa head coaching comeback matapos ang kontrobersyal na exit sa UST noong nakaraang taon.

Sa ilalim ni dating coach Monel Kallos, nagtala ng 16-14 rekord ang Bicol sa MPBL Lakan Cup upang makapasok sa playoffs bago yumukod sa first round ng Southern Division kontra sa kampeon na Davao Occidental.

Hangad ng Volcanoes sa pangunguna ni Ayo ngayon ang mas magandang kampanya sa pagbabalik-aksyon ng MPBL sa Disyembre para sa Invitational Tournament katuwang ang Chooks-to-Go.

Ginabayan ni Ayo sa runner-up finish ng UAAP Season 82 ang UST bago masangkot sa pamosong “Sorsogon Bubble” sa gitna ng pandemya na nagtulak sa kanyang pagbibitiw bilang head coach noong nakaraang Setyembre.

Buhat noon ay nagsilbi siyang head trainer ng Manila Chooks TM na sumali sa Montreal Masters at Abu Dhabi Masters ng FIBA 3x3 World Tour.

Bago sa UST, nagsilbi rin siyang head coach ng Letran at La Salle na pareho niyang trinangkuhan sa NCAA at UAAP championship, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

ALDIN AYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with