Petecio binigyan ng hero’s welcome
MANILA, Philippines — Hindi man gold medal ang kanyang nasuntok ay binigyan pa rin si Tokyo Oympics silver medalist Nesthy Petecio ng isang hero’s welcome ng kanyang mga kababayan sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Ipinakita ni Petecio ang kanyang medalya sa isang isinagawang motorcade ilang minuto matapos dumating sa kanyang probinsya.
Binigyan din ang national boxer ng cash incentive na P500,000 ng mga local officials ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
Si Petecio, sumuntok ng silver medal sa women’s featherweight division ng Tokyo Games, ang unang Pinay na nakasikwat ng medalya sa quadrennial event.
Nakuha na ni Petecio ang kanyang mga cash incentives mula sa gobyerno at pribadong sektor bukod pa sa house and lot sa Davao at Tagaytay City at bagong sports utility vehicle (SUV).
Isa si Petecio sa apat na national athletes na nag-uwi ng medalya mula sa Tokyo Games tampok ang gold medal ni weightlifter Hidilyn Diaz sa women’s 55-kilogram class.
Sumuntok din ng silver medal si flyweight Carlo Paalam at nagdagdag ng bronze si middleweight Eumir Felix Marcial.
- Latest