^

PM Sports

Phl delegation diretso quarantine

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA, Philippines — Mula sa matagumpay na kampanya sa Olympic Games sa Tokyo, Japan ay nakatakdang umuwi ng bansa ang mga natitirang miyembro ng Team Philippines.

Makakasabay ni Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham ‘Bambol’ Tolentino sa pagbabalik sa bansa ang 4-man boxing team na sina Olympic silver medal winners Carlo Paalam at Nesthy Petecio, bronze medalist Eumir Felix Marcial at ang non-medalist na si Irish Magno.

Buhat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay didiretso ang grupo sa Sofitel Hotel para sa isang mandatory seven-day quarantine.

Matapos ito ay magtutungo sila, kasama si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, sa Tagaytay City para sa isang misa at ilang araw na pagbabakasyon.

“After ng quarantine that will be on August 16, we’ll be having a thanksgiving mass including Hidilyn and the rest (of Team Philippines) will join us,” wika ni Tolentino.

Nauna nang nakauwi si Diaz noong Hulyo 28 at muling nakapiling ang kanyang mga magulang noong nakaraang Huwebes sa Resorts World Manila. (NB)

Nanggaling ang nanay at tatay ng 30-anyos na si Diaz mula sa Zamboanga City na halos dalawang taon niyang hindi nakita dahil sa tuluy-tuloy na training nito sa Malaysia kung saan na-lockdown ang Team Hidilyn.

“Kung naka-ECQ (Enhanced Community Quarantine) pa sa kanila, kung gusto pa nila sa Tagaytay, nakahanda na ‘yung isang hotel na lilipatan namin after the quarantine. Kung gusto nilang ipatawag ‘yung magulang nila or mahal sa buhay we will arrange that,” dagdag pa ng POC chief. (Russell Cadayona)

vuukle comment

OLYMPIC GAMES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with