^

PM Sports

Clippers bumawi

Pang-masa
Clippers bumawi

LOS ANGELES — Humataw si Paul George ng 27 points at umarangkada ang Clippers sa third quarter para resbakan ang Phoenix Suns, 106-92 sa Game Three ng kanilang Western Conference finals series.

Idinikit ng Clippers sa 1-2 ang kanilang serye ng Suns at tinapos ang franchise-record playoff na nine-game winning streak ng tropa nina Devin Booker at Chris Paul.

Hindi pa rin naglalaro si Kawhi Leonard dahil sa kanyang right knee sprain at muling binuhat ni George ang Clippers sa kanyang mga balikat.

Nagdagdag si Reggie Jackson ng 23 points at tumipa si center Ivica Zubac ng 15 points at dinuplika ang kanyang career playoff high na 16 rebounds.

Binanderahan ni Dean-dre Ayton ang Suns sa kanyang 18 points habang bumalik sa aksyon si Paul matapos sumailalim sa health and safety protocols at tumapos na may 15 points kagaya ni Booker.

Nagkaroon si Came-ron Payne, sumalo sa trabaho ni Paul sa Games One at Two, ng left ankle injury sa pagbubukas ng first period at hindi na nakabalik sa laro.

Inilunsad ng Clippers sa third period ang 21-3 atake para iwanan ang Suns bitbit ang 71-56 kalamangan.

Ang four-point play ni Luke Kennard sa pagsisimula ng fourth kasunod ang triple ni Marcus Morris at dalawang free throws ni George ang nagbigay sa Clippers ng 89-71 bentahe.

Samantala, muling kinuha ng Indiana Pacers ang dati nilang head coach na si Rick Carlisle mula sa Dallas Mavericks.

Hinawakan ni Carlisle ang Pacers noong 2003-07 at tinulungan ang koponang makapasok sa Eastern Conference finals sa una niyang season.

vuukle comment

CLIPPERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with