^

PM Sports

Misyon ni Yulo ang ibigay sa Pinas ang unang Olympics gold medal

Russell Cadayona - Pang-masa
Misyon ni Yulo ang ibigay sa Pinas ang unang Olympics gold medal

MANILA, Philippines — Isa siyang gymnastics world champion, Southeast Asian Games gold medalist at 2020 Olympian.

Ilan lamang ito sa mga dekorasyon sa makulay na sporting career ni national gymnast Carlos Edriel Yulo na nagsisilbi nga-yong ‘role model’ ng mga batang gustong sumunod sa kanyang mga yapak.

Ngunit kung anuman ang narating ngayon ng 21-anyos na si Yulo ay kaakibat nito ang mga sakripisyo sa loob ng gym.

Isa ang Milo sa mga naniniwala sa kakayahan ng 4-foot-9 na gymnastics sensation kaya siya hinirang na isa sa mga “Champion Ambassadors” kasama sina taekwondo jin Japoy Lizardo, volleyball star Alyssa Valdez at dating PBA guard Chris Tiu.

“Sobrang proud and thankful po ako na ma-ging part ng Milo,” ani Yulo, parte ng virtual sporting campaign ng Milo na ‘Mula Noon, Hanggang Ngayon, Anuman ang Panahon, Tuloy ang Pagi-ging Champion.’ “Dito ako nagsimula sa sports journey ko, and I hope that I can continue to inspire others na maging champions din in their own ways,”

Panuod-nood lang siYulo noon ng training ng mga national gymnasts sa Rizal Memorial Sports Complex hanggang sa na-ging bahagi ng National Capital Region team para sa Philippine National Games.

Sumabak din si Yulo sa Milo Little Olympics na pinagmumulan ng ilan sa mga national athletes.

Mula rito ay sunud-sunod na tagumpay ang nakamit ni Yulo tampok ang pagiging unang Pinoy gymnast na nanalo sa World Artistic Gymnastics Championships sa Stuttgart, Germany noong 2019 sa paborito niyang floor exercise event para mag-qualify sa  2021 Olympic Games sa Tokyo, Japan.

May dalawang gold si Yulo sa all-around at floor exercise events noong 2019 Southeast Asian Games bukod pa sa silvers sa pommel horse, still rings, vault, parallel bars at horizontal bar.

Nagte-training pa rin sa Japan ngayon si Yulo  para sa Tokyo Olympics na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“Naka-focus ako kung paano mag-training nang masaya,” sabi ni Yulo, hangad ibigay sa Pinas  ang kauna-unahang gold medal sa Olympics. “Marami akong natutuhan ngayong pandemic, lalo na kung paano ko ma-improve iyong sarili ko.”

vuukle comment

CARLOS EDRIEL YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with