^

PM Sports

Universe lusot sa balya

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Na-swak sa balya ang Universe upang pagharian ang MHP - World PitMaster’s Cup kahapon sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City, Batangas.

Nirendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce, ipinuwesto nito ang Universe sa bandang likuran sa largahan upang panoorin ang nag-uubusan ng lakas sa unahan na Asiong at Beli Bell.

Walang pagbabago sa mga nasa unahan pagsapit ng far turn pero ang liyamadong Wish Afan A Star ay unti-unting lumapit sa unahan.

Sa huling kurbada nakapitan ng Wish Afan a Star ang Asiong at Beli Bell na nagbukahan sa ikutan kaya naman nakalusot sa tabing balya ang winning horse.

Umungos sa rektahan ang Universe at hindi na nito pinadikit ang mga katunggali.

Nahamig ng may-ari ng Universe ang halagang P180,000 na premyo sa event na pakarera at inisponsoran ni Charlie “Atong” Ang ang namumuno sa World PitMaster Cup.

Nirehistro ng Universe ang 1:25. 6 minuto sa 1,400 meter race, ang nasabing karera ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Dumating na segundo ang Wish Afan A Star na nakopo ang P67,500 habang napunta sa Kick The Gear, (3rd) at Noh Sen Young Yana, (4th) ang tig P37,500 at P15,000 ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

METRO TURF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with