^

PM Sports

May karera na rin tuwing Martes, Miyerkules

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Positibo ang tugon ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) sa application ng Metro Turf na magkaroon ng karera sa araw ng Martes at Miyerkules at ikinatuwa ito ng mga karerista.

Kahapon ay pitong karera ang pinakawalan sa Metro Turf, Malvar - Tanuan City, Batangas habang walo ang ilalarga ngayong araw.

Makikilatis ang tikas ni star jockey Jonathan Hernandez sa pagrenda nito sa Gomper Girl sa Condition race Merged (10) na ilalarga sa race 7.

May distansyang 1,400 meter race, mapapalaban ang sasakyan ni former Philippine Sportswri-ters Association, (PSA) Jockey-of-the-year awardee Hernandez kontra walong tigasing kalahok sa event na suportado ng PHILRACOM.

Nitong nakaraan lamang ay impresibo ang pagdala ni class A rider Hernandez nang ipanalo nito ang Storm Bell noong Linggo sa pista ng Santa Ana sa Naic, Cavite.

Inaasahang mabibigyan ng magandang laban ang Gomper Girl sa Viva Morena at Sky Candy na kilalang mga batak sa stakes races.

 

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with