^

PM Sports

Super Sonic mahihirapan sa Presidential Gold Cup ngayon

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Daraan sa butas ng karayom ang Super Sonic para maidepensa ang titulo sa 2020 PHILRACOM Presidential Gold Cup na ilalarga ngayong araw sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Ayon sa mga racing aficionado, mapapalaban ang Super Sonic sa mga tigasing Super Suwerte at Heneral Kalentong.

Patok sa karera tipsters ng programa ng karera ang Super Suwerte pero marami pa rin ang naniniwala sa kakayahan ng Super Sonic.

Naukit sa history ng karera ang pangalan ng Heneral Kalentong matapos walisin ang tatlong legs ng Triple Crown series kaya napipisil din itong makasilat sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Pero dahil sa laki ng premyo na uma-bot sa P1.8-M para sa unang kabayong tatawid sa meta ay tiyak na naghanda ng todo ang ibang mga kalahok.

“Magandang laban ang mapapanood namin dahil hindi nakakalamang ang Super Sonic, magaling ‘yung Super Suwerte at Heneral Kalentong

Ang ibang kalahok ay ang magkakamping Patong Patong at Wonderland, Princess Eowyn, Boss Emong, Electric Truth, Pangalusian Island, Victorious Colt, Toy For The BigBoy, Shanghai Grey at Real Gold.

Makakatanggap ang second placer ng P675,000 habang nakalaan ang P375,000 at P150,000 sa third at fourth ayon sa pagkakasunod.

Umayaw ang reigning Philippine Sportswriters Association, (PSA) Horse-of-the-Year awardee Union Bell.

 

vuukle comment

PRESIDENTIAL GOLD CUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with