^

PM Sports

Six One Six ipinanalo ni Zarate

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipinakita ni star jockey Jeffril Zarate ang husay nito sa pagdadala ng kabayo matapos ipanalo ang Six One Six sa Pasay City Engineer’s Office Trophy race kahapon sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Ipinuwesto ni class A rider Zarate ang top favorite Six One Six sa tersero sa largahan upang panoorin sa unahan ang mga nag-uubusan ng lakas na Den Deren Denden at Toni’s Wet Lips.

Papasok ng far turn ay lumalapit na sa unahan ang winning horse at pagdating ng huling kurbada ay hawak na ng Six One Six ang bandera.

‘Maganda ang diskarte ni Jeff (Zarate). Hindi niya inapura si Six One Six kaya walang hirap nilang nakuha ang bandera at ugando pa ang panalo.”

Nagtala ang Six One Six ng impresibong 1:26.4 oras sa 1,400 meter race sapat upang ibulsa ng horse owner na si Rosarito Bagatsing ang added prize na P30,000.

Dumating na segundo ang Den Deren Denden habang tersero ang Toni’s Wet Lips sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Samantala, nabulaga agad ang mga liyamadista matapos manalo ang dehadong Bullish Desire sa naganap na Pasay City Barangays Trophy race na pinasibat sa unang karera.

Humarurot sa bandang labas sa rektahan ang Bul-lish Desire na sinakyan ni class A jockey Mark Angelo Alvarez upang masilo ang panalo at mahamig ni Allan Keith Castro, may-ari ng winning horse, ang P30,000 na premyo.

vuukle comment

JEFFRIL ZARATE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with